Itinuro ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nasa likod ng pagpapasabog sa kampo ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Joint Task Force Central Spokesman at CMO Mindanao Regiment Commander Colonel Gerry Besana, hinagisan ng improvised explosive device o IED ang kampo ng 601st Brigade ng Philippine Army sa Shariff Aguak, Maguindanao na sunud-sunod ding pinaputukan.
Kaagad namang umatras ang mga rebelde patungong liblib na lugar nang dumating ang responde mula sa ibang otoridad.
Dahil sa nasabing pangyayari, hinigpitan pa ang seguridad sa Maguindanao.