Mahigit dalawang daang (200) residente ang lumikas patungong Barangay Managa sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur.
Ito’y matapos magka-bakbakan ang mga tropa ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army at tinatayang tatlumpung (30) miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Alegre sa nasabing bayan.
Sinasabing dalawang rebelde ang nasawi sa engkwentro kung saan isa rito ay nakilalang si Michael Rosquites.
Sumiklab ang bakbakan nang madiskubre ng mga sundalo ang isang malaking kampo ng NPA sa barangay na malapit lamang sa tinitirhan ng mga residente.
Inamin naman ni 1002nd Brigade Commander Colonel Tyne Banas na nagsagawa sila ng airstrike sa lugar at kalaunan ay nagpaputok sila ng 150 howitzer laban sa mga tumakas na rebelde.
By Jelbert Perdez