Patay ang isang pulis matapos atakihin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanilang kampo sa Pilar, Sorsogon.
Kinilala ang nasawi na si Ryan Atos, na bahagi ng 504th Police Maneuver Company sa naturang lungsod.
Ayon kay Bicol Police Spokesperson Major Maria Luisa Calubaquib, nakarinig na lamang sila ng putok ng baril sa nasabing kampo, dakong 6:45 ng gabi.
Sinabi ni Calubaquib na nakahanda naman ang mga pulisya kaya’t agad na nakipagpalitan ng putok ang mga ito sa mga rebelde ngunit sa kasamaang palad ay nasawi si atos.
Samantala, ayon sa mga otoridad ay tumagal ang nasabing engkwentro ng 15 minuto. – sa panulat ni Mara Valle