Inamin ni British boxer Amir Khan na may nagaganap na umanong pag-uusap para sa posibleng laban niya kay Manny Pacquiao.
Ayon sa Bolton Welterweight Fighter, pangarap niya ring makasagupa ang kanyang dating stablemate at naniniwala siyang isa ito sa mga malalaki niyang laban.
Sinabi ni Khan na sakaling maisara ang negosasyon ay posibleng maganap ang kanilang bakbakan ni Pacquiao sa susunod na taon.
Itinanggi naman ni Khan na haharapin niya sa ibabaw ng ring si former WBO Light-Welterweight Champion Ruslan Provodnikov.
Matatandaang huling lumaban si Khan noong Mayo kung saan giniba niya si Chris Algieri sa pamamagitan ng unanimous decision.
By: Jelbert Perdez