Hindi na matutuloy ang laban nina British boxing star Amir Khan at Manny Pacquiao.
Kasunod ito nang pag-atras umano ni Khan sa negosasyon sa laban kay Pacman.
Ayon kay Khan, dismayado siya dahil hindi nakikipagtulungan ang kampo ni Pacman para mabuo ang kanilang laban.
Sinabi pa ni Khan na pirmahan na lamang ang kulang para maitakda na ang sagupaan nila ni Pacman.
Sinisisi ni Khan ang Pambansang Kamao sa pagkadiskaril ng negosasyon kung saan pinakahuli nito ay ginanap noong isang linggo sa Doha, Qatar.
By Judith Larino