Kumpiyansa si dating Pangulong Gloria arroyo na mapapawalang-sala ito sa kanyang kasong plunder.
Ayon kay Atty. Larry Gadon, isa sa mga abogado ni Ginang Arroyo, isa ito sa mga dahilan kung bakit tinanggihan agad ng dating pangulo ang pardon na alok ni presumptive president Rody Duterte.
Sa ngayon anya ay hindi pa naman kailangan ni Ginang Arroyo ng pardon dahil hindi pa ito nasentensyahan.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Larry Gadon
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas