Nagpaabot ng pasasalamat ang kampo ni Presidential Aspirant at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) para sa imbitasyon nito.
May kaugnayan iyan sa nakatakda sanang Presidential Forum na ikinasa ng KBP katuwang ang CNN Philippines, ABS-CBN, TV 5 at iba pang KBP member stations bukas, Pebrero a-4.
Ayon kay Atty. Victor Rodriguez, Chief of Staff at Tagapagsalita ni BBM, bagaman kanilang inaasahan ang pagharap ng kanilang kandidato subalit hindi na ito matutuloy dahil sa ilang mahahalagang iskedyul na hindi nila maaaring atrasan.
Gayunman, umaasa ang kampo ni BBM na sa makalalahok sila sa mga kaparehong aktibidad ng KBP sa hinaharap. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)