Ikinatuwa ng kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagbasura ng COMELEC sa lahat ng Disqualification cases laban sa kanya.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, tama ang ginawa ng poll body dahil wala namang basehan ang mga petisyon.
Una nang ibinasura ang apat na kaso sa Division level ng COMELEC pero iniakyat ang mga ito sa En Banc para sa Motion for Reconsideration.
Umaasa naman ang kampo ng dating senador na mananatiling totoo ang COMELEC sa pagpapatupad ng kanilang mandato.