Maghahain ng protesta ang kampo ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio matapos matalo kay City Councilor Vico Sotto.
Ipinabatid ito ni Eusebio matapos amining hindi talaga matanggap ang pag proklama kay Sotto bilang bagong alkalde ng lungsod.
Iginiit ni Eusebio na papatunayan nilang nagkaroon ng dayaan matapos aniyang pumalya ang VCMs o Vote Counting Machines noong mismong araw ng eleksyon.
Kasunod na rin ito ng mga kilos protesta ng supporters ni Eusebio.
Natutuwa naman ang mga Pasigeño sa pagka panalo ni Sotto na bumasag sa halos tatlong dekadang pamumuno ng mga Eusebio sa lungsod.