Dismayado ang kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagbasura ng presidential electoral tribunal (PET) sa kaniyang electoral protest sa 2016 vice presidential elections.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi hinayaan ang kanilang kampo na maglatag pa ng mga patunay hinggil sa anito’y malawakang dayaan sa Mindanao sa nakalipas na vice presidential elections.
Binigyang diin ni Rodriguez na dapat gawin ng PET ang lahat ng makakaya nito para mabatid kung sino talaga ang tunay na nanalong bise presidente dahil tila aniya ipinagkakait nito sa publiko na mahayag kung sino talaga ang tunay na vice president ng bansa.
Pinasaringan naman ng kampo ni Marcos si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na siyang nagsulat ng PET ruling na nagbabasura sa election protest laban kay Vice President Leni Robredo na pinaboran ng 14 pang mahistrado.