Nagpasalamat naman ang kampo ni dating Pangulo ngayo’y pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa naging pasya ng Korte Suprema.
Ito’y makaraang pagtibayin ng high tribunal ang pagpapawalang sala sa kaniya at sa iba pa niyang kapwa akusado hinggil sa kasong plunder kaugnay sa umano’y anomalya sa paggamit ng intelligence fund ng PCSO.
Ayon kay atty. Lawrence Arroyo, abogado ng mambabatas, nagtataka sila kung bakit naghain pa rin ng mosyon ang Ombudsman gayung malinaw na isa iyong double jeopardy sa panig ng Supreme Court.
Magugunitang sa botong 11-4 ibinasura ng SC ang mosyong inihain ng Ombudsman na humihiling na baliktarin ang nauna nitong desisyon na nagpapawalang sala kay Ginang Arroyo.
By: Jaymark Dagala