Itinanggi ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagsimula na siyang mag-alsa-balutan sa Supreme Court sa gitna ng inaasahang resolusyon na magpapatalsik umano sa kanya sa pwesto.
Kagabi ay kumalat ang mga balitang ilang balikbayan boxes ang namataan sa labas ng tanggapan ni Sereno.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, spokesman ng punong mahistrado, ang mga nasabing kahon ay pag-aari ng staff nitong si Atty. Michael Ocampo na naghahanda para sa kanyang depensa laban sa graft complaint ni Atty. Larry Gadon.
Si Gadon ang naghain ng impeachment complaint sa kamara laban kay Sereno.
Inaasahang maglalabas ang Supreme Court ng desisyon sa Mayo 11 hinggil sa Quo Warranto Petition na inihain ni Solicitor-General Jose Calida laban sa punong mahistrado.