Mariing itinanggi ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang alegasyong hindi ito nagbayad ng tamang buwis mula sa kinita nito sa pagkakapanalo sa kaso ng PIATCO o Philippine International Air Terminals Company Incorporated.
Ayon kay Atty. Josa Deinla , isa sa mga tagapagsalita ni Sereno , ang halagang natanggap ng punong mahistrado ay galing mismo sa gobyerno kaya malabong maitago niya ito.
Giit ni Deinla , lahat ng buwis mula sa ibinayad sa punong mahistrado ng pamahalaan ay pawang bayad na sa Bureau of Internal Revenue.
Nauna nang sinabi ni Sereno na mismong ang Solicitor General na ang nagbayad ng kanyang buwis sa BIR dahil ang gobyerno ang kanyang kliyente sa PIATCO Case.
Posted by: Robert Eugenio