Handa naman ang kampo ni Dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos na tumalima sa naging kautusan ng PET o Presidential Electoral Tribunal.
Ito’y makaraang pagpaliwanagin ng PET ang kampo nila Marcos at Vice President Leni Robredo kaugnay ng inilabas nitong Show Cause Order sa revision of ballots noong 2016 presidential elections.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos, inihahanda na nila ang isusumiteng sagot kung bakit hindi sila kailangang patawan ng contempt ng high tribunal.
Kasabay nito, ikinatuwa rin ng kampo ni Marcos ang ginawang pagbasura ng PET sa inihaing mosyon ng kampo ni Robredo na ideklarang valid ang mga balotang mayroong 25 percent shade.
Giit ni Rodriguez, pagpapakita lamang ito ng pagiging ignorante ng mga abogado ni Robredo sa rules on revision ng PET pero tahimik lamang ang kampo ni Robredo hinggil dito.
(with report from Bert Mozo)