Nanindigan si dating Senador Bongbong Marcos na hindi isang krimen na kumukwestyon sa moralidad o Crime of Moral Turpitude ang Tax Evasion Case kaya’t hindi siya dapat idiskwalipika sa 2022 presidential election.
Ito ang tugon ng kampo ng dating Senador sa gitna ng dumaraming petisyon at disqualification cases na inihain laban sa kanya at napipintong pasya ng Commission on Elections sa December 15 o sa mga susunod na araw.
Iginiit ng kampo ni Marcos na hindi ito maaaring i-diskwalipika sa Presidential polls sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code (OEC). Matapos hatulan dahil sa kabiguang mag-file ng Income Tax Returns lalo’t hindi ito “crime of moral turpitude.”
Batay ito sa opinyon ni US-based Law Dean at Filipino Lawyer Emmanuel Tipon.
Ipinunto rin ng kampo ng dating Ilocos Norte Governor na hindi naman tinutukoy ng OEC Kung ano bumubuo sa krimeng na may kaugnayan sa Moral Turpitude, kaya’t gaya anila ng kagandahan, ang isang krimeng may kaugnayan sa Moral Turpitude “ay nasa mata na ng tumitingin.”