Nabigo ang kampo ni Senador Leila de Lima na makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema.
Sa halip, inatasan ng Supreme Court ang gobyerno na magkomento sa petisyong inihain ni De Lima na humihiling na mapawalang bisa ang inilabas na arrest warrant laban sa kanya ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita Guerrero.
Sampung (10) araw lamang o hanggang March 10 ang ibinigay na palugit ng kataas-taasang hukuman para maihain ng pamahalaan ang kanilang komento.
Itinakda ng High Tribunal ang oral arguments sa kaso ni De Lima sa March 14.
By Meann Tanbio | Report from Bert Mozo (Patrol 3)