Kinuwestiyon ng kampo ng modelong si Denice Cornejo ang pagkaka-kustodiya ng aktor at komediyanteng si Vhong Navarro sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).
Kasunod ito ng inilabas na ikalawang Warrant of Arrest ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69 laban kay Navarro para sa Rape charges na non-bailable o walang inirekomendang piyansa.
Ayon sa Abogado ni Cornejo na si Atty. Ferdinand Topacio, si Navarro ay dapat nakadetine sa Taguig City Jail alinsunod umano sa batas.
Iginiit ni Topacio na ang mga nasa kostudiya lamang ng NBI ay ang mga naarestong caught in the act o ang kasong isinasailalim sa imbestigasyon ng naturang ahensya.