Natanggap na ang defense team ni dating pangulong rodrigo duterte ang mga detalye ng unang set ng ebidensya na ihaharap laban sa kaniya sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court.
Kinumpirma ni ICC Prosecutor Karim Khan, na ibinigay na nila ang 181 items sa legal team ng dating pangulo.
Gayunman, walang mga partikular na detalyeng inilabas tungkol sa mga ebidensya dahil ito ay ikinukunsiderang confidential.
Nauna nang inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber One ang prosecutor na magbigay ng mga obserbasyon at tumugon sa ilang katanungan na may kaugnayan sa ebidensya at mga testigong posibleng iharap laban kay dating Pangulong Duterte.—sa panulat ni Kat Gonzales