Kumbinsido ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na matibay ang ebidensya nila para patunayang nadaya ang Senador nuong eleksyon.
Tinukoy ni Victor Rodriguez, spokesman ni Marcos ang mga hindi nagamit na SD cards nuong eleksyon subalit nakitang may lamang datos nuong isagawa ang stripping activity ng Commission on Elections.
Bagamat hindi pa nakikita ang datos na laman ng Labing Tatlo (13) sa dalawamput anim (26) na SD cards, sinabi ni Rodriguez na kuwestyonable na agad ito dahil mga reserbang sd cards ito na hindi nagamit nuong eleksyon kayat dapat ay wala itong laman.
Dahil dito, iginiit ni Rodriguez na dapat hindi magalaw ang mga Vote Counting Machines na hindi ginamit nuong eleksyon hanggang sa matapos ang protestang inihain nila laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal.
By: Len Aguirre