Kampante ang kampo ni Senador Grace Poe na kakatigan sila ng Supreme Court sa issue ng disqualification cases laban sa mambabatas.
Aminado si Atty. Nelson Victorino, Chief of Staff ni Poe na tila wala ng pag-asa na papaboran pa sila ng Commission on Elections (COMELEC).
“Napakalakas naman po nung kaso kaya, we’re very confident na pagdating sa Korte Suprema ay ire-reverse po ng Supreme Court itong desisyon ng COMELEC, kasi po ipinapa-consolidate po namin dati yung 2 kaso sa isang division, eh hindi po nila pinayagan, at ngayon lang po ata nagkaroon ng ganito, magkaibang dibisyon, dalawang dibisyon na bumoto ng ganun, so mukhang ano pa nga ho ba ang i-eexpect natin?” Ani Victorino.
Nagtataka naman si Victorino sa napakabilis na desisyon ng 1st at 2nd Division ng COMELEC na idiskwalipika si Poe sa 2016 presidential elections.
Dahil dito, hindi anya nila isinasantabi na ang mga kaso ay na-impluwensyahan ng administrasyong Aquino.
“Huwebes o Biyernes noon pong Lunes ng holiday, walang trabaho sa COMELEC, nagsalita po si Congressman Erice na madi-disqualify daw ng COMELEC si Grace Poe, so kinabukasan po lumabas na, so napakabilis pong desisyon yun, isang working day lang po lumabas, pero nag-MR kami, ilang araw na wala pa ring lumalabas.” Pahayag ni Victorino.
By Drew Nacino | Karambola