Wala pang natatanggap na kopya ng dismissal order mula sa Office of the Ombudsman ang kampo ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ayon kay Atty. Mark Piad, spokesman ni Mabilog, napag-alaman lamang nila na may inilabas na kautusan sa mga balita sa radyo at telebisyon.
Bagaman aminado si Piad na hindi pa niya nakakausap ang alkalde, naninindigan anya si Mabilog na wala siyang kinalaman sa iligal na droga at sa ligal na paraan lumago ang yaman ng kanilang pamilya.
Samantala, handa naman ang kampo ng alkalde na humirit sa Court of Appeals o Supreme Court na maglabas ng Temporary Restraining Order.