Nakapagpiyansa na si dating Senador Jinggoy Estrada.
Ipinabatid ni Atty. Alexis Abastillas-Suarez na alas-10:00 ng umaga nang makapagbayad sila ng 1.3 million pesos sa Sandiganbayan 5th Division cashier.
Matapos nito ay nagtungo ang legal team ni Estrada sa PNP Custodial Center sa Camp Crame para sunduin ang dating senador at ibinalik din sa Sandiganbayan para sa kanyang formal release.
Si Estrada ay nahaharap sa plunder at graft charges kaugnay sa umano’y maanomalyang paggamit sa kanyang PDAF.
Una nang inihayag ni Suarez na iikot sa buong bansa si Estrada matapos itong makalaya para pasalamatan ang mga sumuporta sa kaniya.
(Ulat ni Jill Resontoc)