Nagsalita na ang kampo ng singer na si Jovit Baldovino kaugnay sa sinasabing kawalang respeto ng binata ayon sa kapwa singer niyang si Wency Cornejo.
Ito’y matapos mag post sa facebook si Wency, kaugnay sa insidenteng nangyaring sa isang show sa General Santos City kung saan nag performer si Jovit.
Di umano’y inunahan ni Jovit na kantahin ang OPM hit song na “Pusong Bato” kahit pa naroon din sa show ang orihinal na nagsulat at umawit ng kanta na si Renee “Alon” dela Rosa.
Sagot ng road manager ni Jovit na si Jerry Telan , mismong si Councilor Bobby Paquiao umano ang nag request kay Jovit na kantahin ang Pusong Bato at dagdag pa nito hindi rin daw sila na-inform tungkol sa line up ng performers.
Samantala, hinihintay pa rin ang pahayag muli ni Wency, Jovit at iba pang sangkot sa nasabing insidente.
By: Jenny Valencia