Hindi na ipipilit pa ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy, na ibalik ang nasabing Pastor sa Kampo Crame.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, bagama’t pakiramdam nilang ligtas ang Religious Leader sa Crame, sa tingin nila ay pagsasayang na lang ng oras kung ipagpipilitan pa ito.
Malabo na anyang pumabor pa sakanila ang desisyon ng korte dahil na rin sa away-pulitika sa bansa.
Matatandaang inilipat kamakailan ang nasabing Pastor sa Pasig City Jail. – Sa panulat ni Kat Gonzales