Kumbinsido ang kampo ng isa sa mga biktima ng laglag tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na may padrinong kumilos para mabasura ang isinampa nilang reklamo laban sa mga tauhan ng Office of Transporation Security (OTS) sa NAIA.
Ayon kay Atty. Ernesto Arellano, abogado ni Lane Michael White, isang American missionary na di umano’y biktima ng laglag tanim bala sa NAIA, nakapagtataka na dinesisyunan pa ito ng DOJ gayung halos isang linggo na lamang ay magpapalit na ng liderato ang ahensya.
Kinontra ni Arellano ang desisyon ng DOJ na walang sapat na ebidensya laban sa mga tauhan ng OTS dahil kahit sa korte anya ay tiyak na madedeklara silang guilty sa dami at tibay ng mga ebidensyang naisumite nila sa DOJ.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Ernesto Arellano, abogado ni Lane Michael White
By Len Aguirre | Ratsada Balita