Inakusahan ni Vice President Leni Robredo ang pamilya Marcos at mga taga-suporta nito na posibleng utak umano ng nilulutong impeachment complaint laban sa kanya.
Ayon sa Bise Presidente, sumasakay sa isyu ang kampo ni Marcos dahil sa tinalo niya ito sa nakaraang eleksyon.
Sinabi ni Robredo na bugbog na siya sa mga kritisismo at alegasyon dahil sa hindi pa rin aniya matanggap ng mga Ilokano na natalo niya si Marcos.
Naniniwala si Robredo na hindi sana magiging ganito kagulo kung hindi Marcos ang kanyang nakalaban sa eleksyon.
Matatandaang kabilang ang mga Marcos supporters na sina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez sa mga naghain ng impeachment laban kay Robredo dahil umano sa mga pinapakalat umanong balita ng Pangalawang Pangulo nang magpada ito ng video sa United Nations (UN) na kumukundena sa illegal drugs campaign ng gobyernong Duterte.
By Ralph Obina