Naniniwala ang kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos na kayang sugpuin ng Commission on Elections (COMELEC) ang tangkang dayaan sa halalan.
Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, kumpiyansa ang BBM-Sara UniTeam na tutugunan ng komisyon ang anomang pandaraya sa botohan.
Nabatid na nakatanggap ng iba’t ibang reklamo ang Comelec hinggil sa depektibong mga balota at palyadong mga Vote Counting Machines (VCMs) sa Northern Luzon at iba’t ibang polling precinct sa bansa.
Umaasa ang UniTeam na magiging mahigpit sa pagbabantay ang awtoridad upang hindi makaapekto sa resulta ng halalan.