Tiwala ang kampo ni vice presidential candidate at Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na papabor ang Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang request na audit sa transparency at central servers ng automated election system.
Ayon kay Atty. Jose Amor Amorado, umaasa silang dedesisyunan ito ng COMELEC bago pa man mag-convene ang Kongreso bilang canvassing board para sa president at vice president post sa May 25.
Nais ng kampo ni Marcos na sukatin kung hanggang saan ang naging epekto ng ginawang pagbabago ng isang miyembro ng Smartmatic sa script ng transparency server.
Matatandaang dikit pa rin ang numero nina Marcos at katunggali nitong si Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo.
By Rianne Briones