Humingi ng paumanhin ang mga anak ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa publiko hinggil sa nasambit ng kanilang ama noong Lunes.
Ito’y makaraang murahin ni Duterte si Pope Francis nang maipit ito ng 5 oras sa trapiko nang bumisita ang Santo Papa sa bansa noong Enero.
Sa Instagram post ni Inday Sarah Duterte-Carpio, sinabi nitong naiintindihan niya ang sentimiyento ng publiko sa naging pahayag ng ama.
Sa post naman ni dating North Cotabato Governor Manny Piniol, ibinahagi nito ang pahayag ni Duterte na humihingi ng paumanhin sa kaniyang nasabi ngunit iginiit na hindi ang Santo Papa ang kaniyang minumura kundi ang gobyerno dahil sa matinding trapik na kaniyang naranasan.
Kaugnay nito, binigyang diin din ni Duterte sa isang panayam sa telebisyon na naiintindihan niya na kailangang maging ligtas ang Santo Papa sa kaniyang pagbisita ngunit hindi aniya dapat masakripisyo ang maraming tao dahil sa ginawang pagsasara ng mga kalsada.
By: Jaymark Dagala