Gagamitin ng kampo ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang lahat ng legal na hakbang kaugnay sa dismissal order dito ng Ombudsman.
Ayon kay Atty. Mark Piad, spokesman ni Mabilog, maghahain sila ng petisyon para sa temporary restraining order o TRO laban sa nasabing dismissal order.
Sinabi ni Piad na mag-a-apela din sila sa Court of Appeals o CA.
Si Mabilog ay sinibak sa serbisyo dahil sa pagsisinungaling umano nito sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.