Dumistansya ang kampo ni Janet Lim Napoles sa nilulutong impeachment case laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Napoles, kahit kailan ay hindi sila nakipag-ugnayan at wala silang koneksyon sa Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na syang nagsusulong ng impeachment case laban kay Morales.
Sinabi ni David na abala sila ngayon sa mga kaso ni Napoles sa Sandiganbayan at sa isinusulong nila na maging state witness ito sa mga pork barrel cases.
By Len Aguirre | With Report from Jill Resontoc