Puspusan na ang paghahanda ng kampo ni Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA Welterweight Champion Lucas “The Machine” Matthysse sa Hunyo.
Kasunod ito ng di umano’y pagpayag na ng Argentinian boxer sa mga termino ng laban.
Una nang binalaan ni dating two-time world champion Gerry Peñalosa si Pacquiao na dapat itong mag-focus sa training dahil isang delikadong boksingero si Matthysse.
Ang Pacquiao-Matthysse fight na gaganapin sa Kuala Lumpur ay itinuturing na unang world title match sa naturang bansa matapos ang apatnapu’t tatlong (43) taon.
—-