Naghain ng kontra mosyon ang kampo ni US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City Regional Trial Court Branch 74.
Layon nitong hilingin sa korte na ibasura ang inihaing motion for reconsideration ng pamilya ng napatay na transgender na si Jennifer Laude na humaharang sa paglaya ni Pemberton.
Ayon kay Atty. Rowena Garcia – Flores, walang merito ang inihaing mosyon ng pamilya laude dahil hindi ito suportado ng matibay na ebidensya.
Giit ni Flores, hindi naman heinous crime ang kasong homicide na isinampa laban sa kaniyang kliyente kaya’t nabigyan ito ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Magugunitang iginiit ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Virgie Suarez na hindi karapat-dapat sa GCTA si Pemberton dahil wala naman itong naipakitang pambihirang gawain.
Pinagsabihan pa ni Atty. Flores ang dating abogado rin ng pamilya Laude na si Presidential Spokesman Harry Roque na tumahimik na sa usapin dahil nasa posisyon na ito.
Conflict of interest aniya ito dahil posible kasing isipin ng madla na ang kaniyang mga naging pahayag ay nagmula rin mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.