Humirit ng rematch ang kampo ni Pinoy boxer Milan Melindo matapos matalo sa pamamagitan ng kuwestiyunableng 6th round technical decision kay IBF light flyweight champion Javier Mendoza sa Mexico, kahapon.
Ayon kay ALA Promotions President Michael Aldeguer, dapat si Melindo ang nanalo dahil hindi naman umano na-headbutt si Mendoza kundi isang “legitimate punch” ang dumapo sa kaliwang kilay ng Mehikano.
Inawat ni referee Gerard White ang laban dahil sa pagdurugo ng kilay ni Mendoza bunsod ng umano’y bungguan ng ulo ng dalawang boksingero.
Pero, giit ni trainer Edito “Ala” Villamor, maging ang mga ringside Mexican commentators kabilang si legendary Julio Cesar Chavez ay nagsabing hindi headbutt ang nagdulot ng pinsala kay Mendoza kundi ito’y suntok.
Dahil dito, iginiit ng kampo ni Melindo na dapat magkaroon ng rematch na gaganapin sa Pilipinas.
By Jelbert Perdez