Nais ng kampo ni Senator Grace Poe na maibasura ang disqualification case laban sa kanya sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Ito ay dahil sa takot na humaba ito at makaapekto sa darating na 2016 elections.
Tinataya umanong tatagal ang magiging pagdinig sa loob ng 5 buwan at posibleng ilabas ang desisyon sa Pebrero sa susunod na taon.
Kaugnay nito, sinabi ng isang mambabatas na kikilos si Senator Tito Sotto upang himukin si SET Chair at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na ibasura ang pag kwestyon sa citizenship at residency ng Senadora na inihain ni Rizalito David.
Ito ay dahil lampas na sa deadline ang paghahain ng naturang kaso na itinalaga lamang sa loob ng 10 araw matapos ang proklamasyon.
Itinakda na sa Setyembre 21 ang preliminary conference sa naturang kaso.
By Rianne Briones