Summon at hindi subpoena ang natanggap ng kampo ni Senador Grace Poe mula sa COMELEC.
Nilinaw ito ni Atty. George Garcia, abogado ni Poe kaugnay sa mga isinampang disqualification case laban sa senadora.
Ayon kay Garcia, ang summon ay isang simpleng imbitasyon lamang samantalang ang subpoena ay kautusan na kapag hindi nasunod ay posibleng ma-cite for contempt ang isang iniimbitahan.
Kasabay nito, ipinabatid ni Garcia na wala pang resulta ang DNA test kay Poe kaya’t humingi sila ng extension sa SET o Senate Electoral Tribunal para sa pagsusumite ng resulta ng nasabing pagsusuri.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)