Sa Huwebes ng hapon pa maghahain ng kanilang certificate of candidacy sina Senator Grace Poe at Chiz Escudero.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Poe, ito ay dahil naniniwala ang Senadora sa feng shui, kung saan natapat na masuwerteng araw para sa pagfa-file ang Huwebes.
Nanindigan din si Garcia na tuloy ang paghahain ng COC ng senadora, kahit ano ang maging resulta ng kanyang nakabinbin na kaso sa Senate Electoral Tribunal.
“Kahit na anong mangyari doon sa Senate Electoral, makakapag-file naman po siya ng kanyang certificate of candidacy, kahit pa nga halimbawa, worst case scenario po na ang lumabas sa kanya in the meantime ay negative yung decision, hjindi pa naman po yan final and executor kaya siya po makakapag-file pa din.” Pahayag ni Garcia.
By Katrina Valle | Karambola