Kailangan munang mamili ng tatlong (3) probinsya mula sa dalawampung (20) lalawigang pino-protesta ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na nagkaroon ng dayaan sa Vice Presidential race bago magbayad ng P8-M ang kampo ni Vice President Leni Robredo.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, dahil malinaw aniya ito sa rules ng PET o Presidential Electoral Tribunal.
Sinabi ni Macalintal na kung walang makikitang pandaraya sa naunang tatlong (3) lalawigan, kaagad ibabasura ng PET ang protesta at kung mayroon mang ebidensya, saka pa lamang isusunod ang 17 lalawigan na pino-protesta ng kampo ni Marcos.
PAKINGGAN:Pahayag ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Vice President Leni Robredo
PET pinagbigyan ang hirit na recount ni dating Sen. Bongbong Marcos
Pinagbigyan ng Korte Suprema na tumatayong PET ang hirit na recount ni dating Senador Ferdinand Marcos kaugnay sa may 2016 elections.
Ayon sa PET, itinakda sa June 21 ang preliminary conference kung saan kabilang din ang counter protest ni Vice President Leni Robredo.
Kaugnay nito, pinagsusumite ng PET ang magkabilang partido ng briefs para sa kanilang posisyo, limang (5) araw bago ang preliminary conference.
Kabilang dito ang simplification ng isyu, limitasyon ng mga testigo, mabilis na retrieval ng ballot boxes na naglalaman ng mga balota, election returns, certificate of canvass at iba pang election documents kaugnay ng election protest.
Matatandaang ipinag-utos ng PET noong Martes sa kampo ni Robredo ang pagbabayad ng P8-M deposito bilang requirement sa pagpo proseso ng kaniyang counter protest.
By Judith Larino