Pinasalamatan ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez ang ilang presidential candidates sa paglilinaw sa kanilang pangakong itutuloy ang pagtakbo sa eleksyon hanggang dulo.
Tugon ito ni Gutierrez sa panawagan nina Senator Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno at Dating Defense Secretary Norberto Gonzales na umatras na sa presidential race si Robredo.
Lahat anya ng kandidato ay maaaring ituloy ang kani-kanilang kandidatura hanggang huli, gaya ng kanilang opsyon na baliwalain ang surveys, rally attendance, endorsements at iba pang pamantayan ng suporta.
Gayunman, kinuwestyon ni Gutierrez ang isinagawang press conference nina Lacson, Moreno at Gonzales sa mamahaling Manila Peninsula Hotel sa Makati City.