Posibleng magpasaklolo naman sa Korte Suprema ang kampo ni Senadora Leila De Lima.
Ito’y para kuwesyunin ang hurisdiksyon ng Department of Justice nang aksyunan nito ang mga reklamong inhain laban sa Senadora.
Ayon kay Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, Ombudsman at hindi DOJ ang tanging may saklaw para aksyunan ang mga nasabing reklamo.
Ginawa ng kampo ni De Lima ang pahayag kasunod ng naging pasya ng DOJ na submitted for resolution na ang mga consolidated complaint laban kay De Lima dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prisons o NBP.
By: Jaymark Dagala