Nagpasaklolo na sa korte suprema ang kampo ni Senador Leila De Lima.
Hiniling ng mga abogado ni De Lima sa pangunguna ni Atty. Alex Padilla na ipawalang bisa ng high tribunal ang inisyung arrest warrant laban sa senador na ngayoy nakakulong na sa Custodial Center sa Camp Crame.
Bukod dito, hiniling din ng kampo ni De Lima sa korte suprema ang pagpigil kay Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Judge Juanita Guerrero na magsagawa pa ng paglilitis at mag isyu ng status quo ante order para maibalik ang estado bago pa ipalabas ang arrest warrant.
Iginigiit ng kampo ni De Lima na minadali ni Guerrero ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay De Lima gayung itinakda pa sana sa February 24 ng pagdinig ng motion to quash ng senador.
Muling binigyang diin ng legal team ni De Lima na Sandiganbayan at hindi RTC ang mayroong hurisdiksyon sa kontrobersyang idinidiin ang senador o ang umanoy papel nito sa operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
By Judith Larino |With Report from Aya Yupangco / Bert Mozo