Dumulog sa Korte Suprema si Senador Grace Poe upang pigilan ang desisyon ng Commission on Elections o COMELEC na i-disqualify ang Senador sa pampanguluhang eleksyon.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe, hiniling rin nila sa Supreme Court na magpalabas ng Temporary Restraining order o status ante order laban sa desisyon ng COMELEC.
Layon nito anya na tiyaking hindi tatanggalin ng comelec sa listahan ng mga botante si poe habang dinidinig ng supreme court ang merito ng kaso.
“Una, nag file tayo ng appeal, at humiling ng TRO. Pangalawa, patuloy tayong magpapaliwanag sa taumbayan na hindi pa disqualified si Sen. Grace Poe, kandidato pa rin sya at mananatiling kandidato. Pangatlo, lilinawin natin ang ating plataporma para gobyerno kung saan walang maiiwan,” paliwanag ni Gatchalian.
Kasabay nito ay binigyang diin ni Gatchalian na kailangang sagutin ng Commission on Elections o COMELEC sa taumbayan ang ginawa nilang pag disqualify kay Senador Poe bilang kandidato sa pampanguluhang halalan.
Iginiit Rex Gatchalian na kuwestonable ang timing ng pagpapalabas ng desisyon ng COMELEC.
Una, nilabas nila na last working day before the holiday, sindaya na ganoon. Pangalawa, alam nila na naka recess ang Supreme Court, pero pinilit pa rin. Pangatlo,
hindi na binigyang importansya ang kapaskuhan, but with that being said, nakahanda pa rin kaming harapin yan.”
By: Len Aguirre I Karambola