Iginiit ng kampo ni Senadora Grace Poe na sasagutin nito ang lahat ng ipinaparatang sa kaniya sa tamang lugar at tamang panahon.
Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Tagapagsalita ni Poe kasunod ng 3 bagong disqualification case na inihain laban sa kaniya.l
Giit ni Gatchalian, kinukundisyon lamang nito ang pag-iisip ng publiko bilang bahagi ng masamang balak laban kay Poe.
“Handa po kaming sumagot sa mga petisyon na isinampa laban kay Sen. Poe. In fact, gusto nga namin sagutin yun point by point dahil iginigiit namin na natural born Filipino si Grace Poe at na meet nya lahat ng requirements sa pagtakbo sa pagka pangulo at kasama na dyan ang residency requirement.”
Sa usapin naman ng naunsyaming pag-aanunsyo ng kanilang senatorial line up, tumanggi munang magkumento si Gatchalian.
By: Jaymark Dagala