Nakatakda nang ihain ni outgoing Senator Bongbong Marcos ang kaniyang reklamo sa Presidential Electoral Tribunal o PET
Ito’y para i-protesta ang pagkapanalo ni Vice President elect Leni Robredo sa nakalipas na May 9 National Elections
Ayon kay ABAKADA Partylist Rep. Jonathan Dela Cruz, Political Adviser ni Marcos, may hawak na silang sapat na ebidensya para humirit ng recount
Hihilingin din nila na i-obliga ang COMELEC na i-audit at suriing mabuti ang Automated Election System upang mapatunayan ang kanilang aligasyon na mayruon umanong Fourth Server na itinatago sa publiko ang COMELEC at SMARTMATIC
By: Jaymark Dagala