Walang plano ang kampo ni Senador Bongbong Marcos na pigilan ang proklamasyon kay Camarines Sur Representative Leni Robredo bilang nanalong Bise Presidente sa susunod na linggo.
Ito ang inihayag ni Atty. George Garcia, legal counsel ni Sen. Marcos.
Pero, ipinahiwatig ni Atty. Garcia ang posibleng pagsasampa ng electoral protest.
Sa katunayan aniya ay inihahanda na nila ang mga ilalatag nilang ebidensya hinggil sa isasampa nilang reklamo.
By: Meann Tanbio