Kokonsultahin muna ni Senador Antonio Trillianes ang kanyang mga abogado kung maaaring ipagharap ng kaso sa Office of the Ombudsman si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito’y makaraan ang kanyang mga isiniwalat na impormasyon hinggil sa kaugnayan ni Duterte sa Davao Group na sinasabing nilalapitan at binabayaran ng tara ng mga player o broker sa customs para mailabas ang kanilang mga kargamento.
Handa naman si Trillianes na ilabas ang mga dokumento na pinagbatayan ng mga isiniwalat niya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing.
Kabilang sa mga ipinakita ng Senador ang mga sinasabing bank account nina Vice Mayor Duterte at Atty. Mans Carpio na naglalaman umano ng daan-daang Milyong Piso.
By: Drew Nacino
SMW: RPE