Nakahanda ang kampo ni Supreme Court Chief Justice On Leave Maria Lourdes Sereno sa oral arguments ng Korte Suprema sa quo warranto petion na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, Spokesman ni Sereno, inaasahan na nilang magkakaroon ng oral arguments sakaling aksyunan nga ng Korte Suprema ang quo warranto petition.
Gayunman, nanindigan si Lacanilao sa kanilang posisyon na hindi dapat inaksyunan ang quo warranto petition dahil impeachment lamang ang tanging paraan para matanggal ang Chief Justice ng Korte Suprema.
Hindi naman makumpirma ni Lacanilao kung dadalo si Sereno sa oral arguments.
Sa resolusyong inilabas ng Supreme Court, inaatasan nito si Sereno na personal na humarap sa oral arguments.
—-