Ikinakasa na ng kampo ni Sister Patricia Fox ang kanyang apela sa kautusan ng Bureau of Immigration o BI na ipa-deport ang madre at ilagay ito sa blacklist upang hindi na makabalik sa bansa.
Ayon kay Atty. Maria Sol Taule, abogado ni Sister Fox, posibleng sa Lunes nila ihain ang motion for reconsideration sa Department of Justice o DOJ.
Sinabi ni Taule na batay sa omnibus rules ng DOJ, hindi pa maaaring ipatupad ang kautusan ng Bureau of Immigration habang mayroong nakabinbin pa at dinidinig pa ang kanilang apela.
“It’s the same thing doon sa cancellation ng visa niya, nan i-nullify ng DOJ we’ve said that Sister Fox is doing missionary work and her involvement in human rights work is part of her missionary duty as a nun. And, she has all the right under domestic and international law to exercise her freedom of expression.” Pahayag ni Taule
(DWIZ Connect Interview)