Malinaw na propagandista at attack dog si Senador Antonio Trillanes.
Ito ang inihayag ni Atty. Rainer Madrid, head ng legal team ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte matapos magharap ang Senador at Bise Alkalde sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, kahapon.
Ayon kay Madrid, dismayado sila dahil inakala nilang eksplosibo ang isisiwalat si Trillianes pero pawang hindi “validated” na impormasyon kaya’t maituturing na tsismis lang ang inilahad nito sa pagdinig.
Anya, papayuhan na lamang niya ang kanyang kliyente na ipakita ang sinasabing tattoo nito sa likod kung aamin daw na bakla si Trillianes.
Sa kabila nito, walang binabalak na anumang legal action ang kampo ni Duterte laban sa mambabatas dahil hindi nila papatulan ang mga anila’y tsismis na isinisiwalat nito.
By: Drew Nacino
SMW: RPE