Walang kapatawaran at oportunista.
Ito ang maanghang na pahayag ng kampo ni Vice President Jejomar Binay laban kay Senador Chiz Escudero kaugnay ng aniya’y pagto-tolerate nito sa pang-aabuso ng mga kapwa niya senador.
Kung matatandaan nag-ugat ang palitan ng maaanghang na salita ng dalawang kampo nang kampihan ni Escudero si Senadora Grace Poe sa kasong kinahaharap nito sa Senate Electoral Tribunal, habang tila pinatutsadahan naman nito si Binay.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ng bise presidente, walang kapatawaran ang ginagawa ni Escudero dahil hinahayaan lamang nito ang pang-aabuso ng senado upang bastusin ang karapatan ng ibang tao.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco